Valdez tagumpay sa Batangas
MANILA, Philippines — Pinakilig ni Creamline team captain Alyssa Valdez ang mga fans nito sa Batangas matapos makuha ng Cool Smashers ang panalo sa 2023 PVL 2nd All-Filipino Conference sa Batangas City Coliseum noong Sabado.
Bagama’t hindi nakapaglaro ng matagal si Valdez, nagawa pa ring maitakas ng Cool Smashers ang 25-20, 25-20, 25-16 panalo kontra sa Cignal HD Spikers.
“I’m very happy that we were able to go back here in Batangas after the pandemic because we were here before the pandemic. We’re very happy to be back here and it’s just so nice to seal it with a win,” ani Valdez.
Umangat ang Cremaline sa 2-0 rekord para makisalo sa liderato kasama ang Petro Gazz at Chery Tiggo na may parehong marka.
“It really feels different when you play in your hometown. It’s an extra motivation for me to play in front of them. It really humbles me everytime I go back. It makes you remember where you start and it’s so nice to bring back all those memories to start off the season,” dagdag ni Valdez.
Umaasa si Valdez na ipagpapatuloy ng liga ang paglalaro sa mga probinsya upang mabigyan ng pagkakataon na masilayan ng mga fans ang kanilang mga iniidolo.
Matapos ang Batangas, dadayuhin din ng PVL ang Ilocos Sur, Laguna, Iloilo at Cagayan de Oro
Personal na nanood sa venue ang pamilya ni Valdez sa Batangas.
“They (my family) are an added motivation too. It’s been a while since they watched the games because they have worked too. I’m just very glad that the coaches somehow gave me an opportunity to play in this game,” aniya.
- Latest