^

Bansa

Tirang pagkain ipamigay

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa halip na itapon, dapat na ipamigay na lamang sa mga charitable institutions ang mga pagkaing maaari pang pakinabangan buhat sa mga food establishements.

Sa panukalang isinusulong ni Quezon City Rep. Winston Castelo, Chairman ng House Committee on Metro Manila Development, layon nito na matugunan ang kakulangan ng pagkain sa bansa.

Subalit sa kabila umano ng mataas na kaso ng kakulangan ng pagkain sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay tone-toneladang pagkain naman na hindi pa sira o panis at nasa maayos na kondisyon ang natatapon sa mga basurahan.

Dahil dito kaya nais ni Castelo na bigyan ng mandato ang mga establisyemento na magdonasyon sa mga charitable institution ng mga hindi naibebentang pagkain na paraan para matugunan ang kakulangan sa pagkain.

Base sa survey ng National Nutrition Survey na higit sa kalahati ng mga Filipino adults ang kulang sa pagkain habang 23 porsiyento naman ng mga bata ang nakakaranas din nito.

PAGKAIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with