^

Punto Mo

Mayang (183)

Ronnie M. Halos - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

“Naaalala ko pa ang mga masasayang araw namin ni Encar habang ako ay nagtatrabaho sa bukid,’’ sabi ni Lolo Nado na excited magkuwento ng nakaraan nila nang yumaong asawa habang sabik naman sina Jeff at Mayang sa pakikinig.

“Madilim pa ay nag-aararo na ako sa bukid gamit ang kalabaw. Mas magandang mag-araro sa madaling araw dahil malamig,” pagkukuwento ni Lolo Nado.

“Paano mo nakikita ang inaararo mo Lolo?’’ tanong ni Jeff.

“Maliwanag ang buwan. Kitang-kita ko ang lupa na inaararo. Bago sumikat ang araw, tapo ko nang araruhin ang isang pitak. Kinabukasan, ganun uli ang gagawin ko.

“Dinadalhan ako ni Encar ng pagkain—sa almusal ay sinangag na kanin, pritong daing na dalag at itlog at saka mainit na kapeng barako ang dinadala niya. Hindi pa rin siya kumakain ng almusal kaya nagsasabay kami. Sa lilim ng punong banaba kami kumakain.

“Habang kumakain ay walang tigil ang pagkukuwentuhan namin. Kung anu-ano ang pinagkukuwentuhan namin. Kinukuwentuan ko siya ng mga katatawanan kaya sumasakit ang tiyan niya sa katatawa. Talagang tawang-tawa siya sa mga ikinukuwento ko na hango rin lang sa kuwento ng mga lolo ko noon.

“Pagkatapos naming magkuwentuhan ay mamamasyal kami sa tabing sapa. Malinaw ang tubig noon hindi katulad ngayon. Marami akong nahuhuling dalag, hito at talangka sa ilog.

“Pagkatapos mamasyal ay uuwi na kami sa bahay. Nakasakay kami sa kalabaw. Masayang-masaya kami ni Encar. Akala ko wala nang katapusan ang lahat—akala ko buong buhay na ang aming pagsasama—hindi pala.”

(Itutuloy)

LOLO NADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with