DA: P45 kada kilo MSRP sa imported rice simula sa Lunes

MANILA, Philippines — Simula sa Lunes, Marso 31, nasa P45 per kilo ang maximum suggested retail price (MSRP) ng imported rice dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng bigas sa merkado.
“At this level, the retail price of imported rice has now decreased by P19 per kilo compared to its price before we implemented the MSRP on January 20,” sabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel.
Bago maitakda ang MSRP, ang imported rice ay naibebenta sa halagang P64 kada kilo kahit na bumaba ang global rice prices, nagkaroon ng tariff reductions at lumakas ang piso.
Ang implementasyon ng MSRP ay pinatupad makaraan ang konsultasyon ng DA sa industry stakeholders para matiyak ang pagbabawas sa presyo ng bigas ay hindi pipilay sa rice industry at makokompormiso ang seguridad sa pagkain sa bansa.
Bago naipatupad ang MSRP na P49 per kilo sa mga imported rice noong Marso 1, ang presyo ng magandang uri ng bigas mula Vietnam na may 5 percent broken grains ay bumaba sa USD 490 per metric ton.
Ang Vietnam ang main source ng imported rice sa Pilipinas.
- Latest