^

True Confessions

Hiyasmin (233)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“HANGGANG sa ma­kilala ko ang taong nagdulot sa akin nang problema at nagparanas sa akin ng impiyerno,’’ patuloy na pagkukuwento ni Mama Lira kay Nanay Julia.

“Nasa high school na noon si Hiyasmin nang makilala ko ang demonyo na sa unang tingin ko ay anghel. Drayber siya sa pabrika na aking pinagtatrabahuhan. Natangay ako sa mga mabubulaklak na pananalita. Hanggang sa bumigay ako.

“Nang ipakilala ko kay Hiyasmin, nakita ko agad sa mukha ng aking anak ang matinding pagtutol. Siguro, nabanaag agad niya sa mukha na isang demonyo ang nasa harap niya.

“Pero hindi ko pinakinggan si Hiyasmin. Ang sarili kong kali­gayahan ang na­naig sa akin. Ang sarili ko lamang ang inalala ko at binigyang halaga. Hindi ko inalala ang kalaga­yan ni Hiyasmin na isang babae at maaring pag-interesan ng demonyo.

“At nangyari nga dahil madalas bosohan ng demonyo si Hiyasmin kapag nasa banyo at naliligo.

“Natakot si Hiyasmin. Sinabi sa akin pero wala akong ginawa. Hindi ko siya ipinaglaban at pinagtanggol. Napakahina kong ina!

“Wala akong nagawa para kay Hiyasmin!”

Itutuloy

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->