^

PM Sports

Alyssa, Sabrina nagkita

Chris Co - Pang-masa
Alyssa, Sabrina nagkita
Alyssa Valdez

MANILA, Philippines — Hindi malimutan ni Creamline outside hitter Alyssa Valdez nang makasama nito ang isang world-class athlete na si WNBA champion at Olympic gold medalist Sabrina Ionescu.

Dumalaw sa Maynila si Ionescu noong nakaraang linggo upang magsagawa ng ilang serye ng skills camp at exhibition games kasama ang mga Pinoy fans, basketball enthusiasts at mga kapwa players nito.

Kaya naman hindi na pinalampas pa ni Valdez na makasama si Ionescu na itinuturing nitong isa sa magandang halimbawa at inspirasyon para sa mga kabataang atleta.

“Grateful for women who share their stories and pave the way for others,” ani Valdez sa kanyang post sa social media kung saan kasama nito sa larawan si Ionescu.

Pinasalamatan ni Valdez si Ionescu sa pagbabahagi nito ng talento sa mga Pinoy athletes na magsisilbing magandang aral para mas lalo pang magsikap ang mga ito sa kanilang mga plano sa buhay.

“Because of you, we dream bigger and believe in what’s possible. Your journey inspires us all,” dagdag pa ni Valdez.

Gaya ni Ionescu, isa rin si Valdez sa mga tinitingala sa mundo ng volleyball.

Nagsisilbi ring inspirasyon ang Pinay volleyball star sa mga kabataang volleyball players na nagnanais ma­sundan ang kanyang ya­pak.

Isa si Valdez sa winningest pla­yer sa Philip­pine volleyball matapos humakot ng kampeonato mula sa kanyang collegiate career hanggang sa professional volleyball.

Kasaluku­yan itong mi­yembro ng Creamline Cool Smashers na mayroon nang 10 korona sa Premier Volleyball League.

Sa ngayon, pasok na sa quarterfinals ang Cool Smashers sa PVL All-Filipino Conference.

ALYSSA VALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->