^

Police Metro

House Speaker, pinuri ang paglalabas ng EO 84

Joy Cantos - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Pinapurihan ni ­Speaker Martin Romualdez ang inaprubahang Executive Order (EO) No. 84, na magtataas sa subsistence allowance ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula P150 sa P350 kada araw.

Aniya, deserve ito ng ating mga magigiting na sundalo na walang kapagurang dinidipensahan ang ating bansa at ang hakbang na ito ay kongkretong pagpapakita ng commitment ng pamahalaan para mapagbuti ang kanilang kapakanan at pagkilala sa kanilang sakripisyo para sa bayan.

“Natupad na ang ating pangako! Ang ating mga sundalo ay makatatanggap na ng mas mataas na subsistence allowance – mula P150 ay magi­ging P350 na kada araw o P10,500 kada buwan. Isa itong malaking hakbang para tiyakin na ang kanilang sakripisyo ay may katumbas na suporta mula sa ating pamahalaan,” saad ng Speaker.

Pagsiguro pa ng lider ng Kamara simula pa lang ito ng mas marami pang inisyatiba sa pagpapabuti ng benepisyo at suporta sa unipormadong hanay.

Patuloy aniya makikipagtulungan ang Kamara sa ehekutibo para matiyak na lahat ng pangangailangan ng AFP ay maipagkaloob.

“Sa ilalim ng Bagong Pilipinas, titiyakin nating ang ating mga sundalo ay hindi pinapabayaan. Ang inyong serbisyo ay hindi malilimutan at ang gobyerno ay patuloy na magbibigay ng suporta na nararapat para sa inyo,” anang Speaker.

Paalala pa niya na kapag maayos ang kalagayan ng ating sundalo, mas magiging matatag ang ating bansa.

MARTIN ROMUALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with