3 falsification complaints vs Alice Guo, inihain ng NBI

MANILA, Philippines — Naghain ang National Bureau of Investigation ng tatlo pang falsification complaints laban sa na-dismiss na mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo sa Department of Justice nitong Martes.
Sinabi ni NBI spokesperson Ferdinand Lavin na ang mga reklamo ay nag-ugat sa pagbili ni Guo ng tatlong parcel ng lupa sa Sual, Pangasinan gamit ang umano’y pekeng pagkakakilanlan nito.
Sinasabi ng mga awtoridad na si Guo at si Guo Hua Ping na iisa, ay isang Chinese national na lumipat sa Pilipinas noong kanyang Kabataan sa kabila ng iginiit noon ng kaniyang abogado na si Stephen David na patunayan ang tunay na identity ng kaniyang kliyente.
Kaugnay nito, ipinagharap na rin ng NBI ng reklamong human trafficking ang 11 opisyal at kawani ng Philippine Amusement and Gaming Corp., kabilang ang isang Atty. Jayson Masuerte.
Binigyang-diin ni Lavin na ang Pagcor officers na dapat na nagmonitor sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations hub Zun Yuan Technology sa Bamban ay hinayaan ang scamming activities.
Nakikipag-ugnayan na rin ang NBI sa Civil Service Commission (CSC) para sa pagsasampa ng kasong administratibo kabilang ang gross misconduct, serious dishonesty and conduct prejudicial to public service.
- Latest