^

Metro

Women’s right tiniyak ni Mayor Joy

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na kanyang isusulong ang  women’s empowerment at economic opportunities sa mga kababaihan kasabay ng pagdiriwang ng International Women’s Day at National Women’s Month ngayong buwan ng Marso.

Sa State of the Women’s Address, binigyan diin ni Belmonte ang ginagawa ng lokal na pamahalaan para maitaguyod ang kapakanan ng mga  kababaihan sa pamamagitan ng pagbibigay ng magandang edukasyon, kalusugan, employment at initiatives.

“Our women are now more financially independent. Based on our online business registry, the number of female entrepreneurs in the city has increased by more than 4,000 since 2021,” ani Belmonte.

Sinabi pa ni Belmonte, 40 percent sa Quezon City’s 70,000 businesses ay mga kababaihan, katumbas ng  200,000 female residents.

Anya tumaas din ang mga benepisyaryo ng livelihood programs tulad ng Pangkabuhayang QC at Tindahan ni Ate Joy mula sa 11,000 noong 2023 sa 14,000 noong nakaraang taon.

 Nakapagbigay din ang QC LGU ng 31,000 job placements sa mga kababaihan.

Tinutukan din ni Belmonte ang edukasyon sa mga kababaihan kung saan 63 percent ng Quezon City University’s 3,000 graduates noong 2023 ay mga babae.

Aniya nagbigay din ang lokal na pamahalaan ng libreng medical check-ups, maintenance medicines, at vaccinations sa mga kababaihan partikular ang Integrated Cancer Control Ordinance.

Pinalakas na rin ni Belmonte ang programa kontra sa gender-based violence sa pamamagitan ng Helpline 122 matapos tumaas ang naturang kaso mula 7,000 noong 2022 sa 10,000 sa 2024.

“The fight for gender equality is a fight for all. Together, we can create a city where every woman has a voice, dignity, and equal opportunities.” pahayag ni Mayor Belmonte.

JOY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->