5 pulis Caloocan sibak sa nag-viral na police operation

MANILA, Philippines — Sibak ang limang pulis Caloocan matapos na “pasukin” ang isang bahay sa isinagawang follow up operation laban sa isang lalaki na suspect sa pagpatay sa Caloocan.
Kabilang sa tinanggal sa puwesto si Camarin Police Station chief PLt. Russelle Fang at apat na tauhan nito dahil sa ilang pagkakamali umano sa isinagawang search operation matapos ang shooting incident sa Avocado St. Barangay 178, ng nabanggit na lungsod.
Sinasabing binaril ng suspek na tumakas ang babae na nagngangalang Racquel, 34.
Ayon kay Fang, tumakbo ang suspek sa isang bahay kaya’t agad silang nagkasa ng hot pursuit operation.
Nagreklamo ang may-ari ng bahay kung saan nakuhanan at kumalat ang video ng operasyon nila sa social media. Wala umanong search warrant ang mga pulis.
Giit ni Fang wala silang kinuha sa nasabing bahay at intact ang mga gamit.
Kaugnay nito, ipinag-utos na ni Caloocan City Police Chief Edcille Canlas ang masusing imbestigasyon upang malaman ang tunay na insidente at ang pananagutan ng kaniyang mga tauhan.
- Latest