Libreng serbisyong medikal, hatid ng SM Foundation

MANILA, Philippines — Patuloy na pinalalakas ng SM Foundation ang adbokasiya nitong ilapit ang dekalidad na serbisyong medikal sa iba’t ibang komunidad ng bansa.
Ngayong buwan ng mga puso, sa pakikipagtulungan ng SM Supermalls at iba pang social good partners, isinagawa ng SM Foundation ang sunud-sunod na medical mission sa Sta. Rosa, Laguna; Roxas City, Capiz; at Culasi, Antique.
Naghatid ito ng libreng konsultasyon, mga bitamina, at mga gamot para sa mga pasyente. Sa pamamagitan naman ng Mobile Clinic, nakapagbigay rin ito ng libreng ECG at X-ray.
Layon ng SM Foundation Health and Medical programs na mapabuti ang kalusugan ng mga komunidad. Simula ng ilunsad ito, nakapagsagawa na ng halos 1,700 medical mission ang foundation na nakatulong naman sa higit 1.2 milyong pasyente.
Sa patuloy nitong mga inisyatiba, inihahandog ng SM Foundation ang malasakit sa kapwa, kasabay ng pagdiriwang ng buwan ng pagmamahal.
- Latest