Maynilad, nakapaglinis ng 542 kilometrong sewer lines noong 2024
MANILA, Philippines — Nakapaglinis ang West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) nang may 542.13 kilometro ng sewer lines noong 2024, lampas sa kanilang 500-kilometer target nang may 8.43% upang mapalakas ang wastewater flow at makatulong para sa isang malinis, malusog na komunidad.
Dito, gumastos ang Maynilad ng ?21.7 milyon na pumapaloob sa mga key areas sa Maynila, Quezon City, Muntinlupa, Makati, Pasay, at Parañaque.
Gamit ang high-powered sewer jetting at vacuum truck units, maayos na natanggal ng Maynilad ang mga bara na dulot ng hindi maayos na waste disposal tulad ng mga wet wipes, plastics, grease at construction debris.
Patuloy ding nakikipag-tulungan ang kompanya sa LGUs at national agencies para malutas ang problema sa mga sewer manholes dulot ng asphalt pavements at mga road at drainage projects.
“These cleaning efforts are essential to ensuring that wastewater from households reaches our treatment plants, where it is treated to meet environmental standards before being safely discharged into bodies of water,” sabi ni Engr. Zmel Grabillo, Head ng Wastewater Management Division ng Maynilad.
Nagkakaloob din ang Maynilad ng libreng septic tank desludging services sa mga kabahayan para sa tamang wastewater management sa bawat service area.
- Latest