‘Be apolitical’ - Mayor Lacuna
MANILA, Philippines — Mahigpit ang paalala ni Mayor Honey Lacuna sa lahat ng regular na kawani ng Manila City Hall na huwag sumawsaw sa politika.
Kasunod na rin ito nang pagsisimula na ng campaign season para sa national election habang papalapit naman ang panahon ng kampanyahan para sa local polls.
Kasabay nito, hinikayat din ni Lacuna ang mga kawani ng pamahalaan na regular o may permanenteng items upang pangalagaan ang kanilang posisyon sa hindi pakikisali sa partisan politics.
Sinabi ni Lacuna na sa kabila na may pinili ng kandidato ang bawat isa sa national at local elections, dapat ding itanim ng mga ito sa kanilang isipan na bawal silang mangampanya o ikampanya ang isang kandidato.
Binalaan din ng lady mayor ang mga kawani na gamitin ang social media upang ikampanya ang kanyang kandidato, dahil manganganib ang kanyang posisyon sa gobyerno.
- Latest