^

Probinsiya

16-anyos 2-beses nagulungan ng truck, pisak

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Napisak ang ulo at katawan ng isang 16-anyos na estudyante makaraang mabundol at masagasaan ng pick-up truck habang nagmomotorsiklo sa West Employees Subdivision na sakop ng Barangay Gulang-gulang sa lungsod na ito, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si “Albert”, ng North Employees Subdivision sa nasabing barangay habang nasa kustodya na ng Lucena Police Station ang driver ng pickup truck na si alyas “Rogelio”, 45, ng nasabi ring barangay.

Sa ulat, alas-3:50 ng hapon habang minamaneho ng biktima ang isang Honda TMX motorcycle sa panulukan ng Diamond at Ruby Street sa nasabing subdivision nang mabangga ito ng Ford Ranger Raptor pickup ni Rogelio.

Nang matumba ang biktima, nagulungan ang ibabang bahagi ng katawan nito.

Dahil umano sa pagkataranta, tinangka ng driver ng truck na umatras subalit nagulungan pa ang itaas na katawan at ulo ng biktima na sanhi ng agaran nitong kamata­yan.

TRUCK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with