^

PSN Palaro

Yulo: ‘panalo ko, panalo nating lahat’

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Yulo: ‘panalo ko, panalo nating lahat’
Sina (mula kaliwa) Rep. Mikee Romero, POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino, Athlete of the Year Carlos Yulo, Sen. Bong Go, PSC Chairman Richard Bachmann at PSA President Nelson Beltran sa ginanap na PSA Awards Night nitong Lunes sa Manila Hotel.

MANILA, Philippines — Sa gitna ng kanyang tagumpay ay hindi nakalimutan ni 2024 Paris Olympic Games double-gold medalist Carlos Edriel Yulo ang Panginoon.

Ito ang naging laman ng speech ni Yulo matapos tanggapin ang Athlete of the Year award sa San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Awards Night sa Centennial Hall ng historic Manila Hotel noong Lunes.

“Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa lahat ng blessings and challenges na ibinigay niya sa buhay ko,” wika ng 24-anyos na national gymnast.

“Sa lahat ng paghihirap ko, lahat ng pagod, sobrang worth it talaga na nakamit ko ang tagumpay kasama ang mga mahal ko sa buhay.”

Sa paggiya ni Pinoy coach Aldrin Castaneda ay inangkin ni Yulo ang floor exercise at vault golds sa Paris Olympics.

Iginawad sa tubong Leveriza, Manila ang Athlete of the Year trophy ng pinakamatandang media organization sa entablado kasama sina Philippine Olympic Committee president Abraham ‘Bambol’ Tolentino, Philippine Sports Commission chairman Richard Bachmann, Senator Bong Go, Rep. Mikee Romero at PSA chief Nelson Beltran, sports editor ng The Philippine Star.

“Ang panalo ko ay pa—nalo nating lahat,” sabi ni Yulo sa event na inihandog ng  ArenaPlus kasama ang Cignal at MediaQuest.

Pinasalamatan din ni Yulo si Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion na nakamit ang National Sports Association (NSA) of the Year award.

“Sa pagtitiwala at unang naniniwala sa kakayahan ko,” ani Yulo kay Carrion.

Hindi rin nawala sa isip ng gymnast ang jowang si Chloe San Jose.

“Maraming maraming salamat sa pag-aalaga sa aking mental health,” wika ni Yulo kay San Jose na nakagalit ng kanyang ina matapos ang panalo niya sa Paris Olympics.

Bukod kay Yulo, du—malo rin sina Paris Olympics boxing bronze meda-lists Nesthy Petecio at Aira Villegas sa PSA Awards Night na sinuportahan ng PSC, POC, MILO, PLDT/Smart at ni Senator Bong Go kasama ang PBA, PVL, 1-Pacman Party List, Rain or Shine, Akari at AcroCity.

Iginawad kina Petecio at Villegas ang President’s Award.

Samantala, ibinigay sa 82-anyos na si dating basketball great at Senator Freddie Webb ang isang Special Award.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with