P5.2 milyong marijuana nasabat, drug suspect tiklo

Kinilala ang suspek na si Jomar Gesmundo, 36, at residente ng Prudencio St., sa Sampaloc.
Miguel de Guzman, File

MANILA, Philippines — Isang drug suspect ang inaresto ng mga awtoridad matapos na mahulihan ng tinatayang aabot sa P5.2 milyong halaga ng marijuana sa isang buy-bust operation sa Sampaloc, Manila kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Jomar Gesmundo, 36, at residente ng Prudencio St., sa Sampaloc.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD) - Sampaloc Police Station 4 (PS-4), nabatid na dakong alas-12:20 ng madaling araw nang maaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pakikipag-ugnayan sa PDEA, ang suspek sa isang buy-bust operation sa isang tahanan na matatagpuan sa Crisostomo St., sa Sampaloc.

Nakumpiska mula sa suspek ang 44 na bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana, na tinatayang nasa 44 kilo at nagkakahalaga ng P5,280,000, gayundin ng buy-bust money.

Nakapiit na ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Show comments