MANILA, Philippines — Nadakip ng Quezon City Police City (QCPD), ang nasa 214 katao sa isinagawang anti-illegal drug at anti-criminality operations mula Enero 19 hanggang 25 sa lungsod.
Ayon kay QCPD Director PCol. Melecio Buslig, Jr., sa nasabing bilang 64 wanted persons, 69 illegal gamblers, 77 drug suspects, at apat ang hinuli dahil sa pagdadala ng baril.
Nabatid na 48 anti-drug operations ang ipinatupad na nagresulta ng pagkakaaresto ng 77 drug suspect at pagkakasamsam ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P2,362,044.00.
Tagumpay din ang QCPD na maaresto ang 64 na mga pinaghahanap ng batas kung saan 32 ang Most Wanted Persons habang 32 rin ang Wanted Persons.
Hindi rin nakalusot sa mga tauhan ng QCPD ang isang 59-anyos na lumabag sa Comelec Resolution.
Pinuri naman ni Buslig ang patuloy na operasyon ng kanyang mga tauhan upang mapanatili ang kaligtasan ng mga QCitizen.
“The success of these operations is a testament to the hard work and commitment of our personnel. We will continue to intensify our efforts to rid our city of illegal activities and ensure that the people of Quezon City can live in a safe and secure environment.”ani Buslig.