^

Metro

2 bumbero, sugatan sa sunog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang bumbero ang sugatan habang tumutulong sa pag-apula ng isang sunog na sumiklab sa isang storage/warehouse sa Sta. Cruz, Manila kahapon.

Kinilala ang mga biktima na sina FO2 Peter Paolo Tanguilan, 28, na isinugod sa Chinese General Hospital at Jeckster Quiamco, 25, Solidarity Fire Volunteer, na ginamot naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center.

Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-11:32 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa Bambang St. sa Sta. Cruz.

Umabot ng ikalawang alarma ang sunog bago tuluyang naideklarang under control dakong alas-2:57 ng hapon.

Inaalam pa naman ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at halaga ng mga ari-ariang tinu­pok nito.

FIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with