^

Metro

Remulla tiwalang madadakip na iba pang wanted sa P6.7 bilyong drug haul

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiwala si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na maaresto anumang araw ngayong linggo ang lahat ng akusado sa ?6.7-billion drug haul sa Manila noong Oktubre 2022.

Ang pahayag ni Remulla ay kasunod ng pagbuo ng  ‘Task Force 29’ ng  Philippine National Police (PNP)  para tugisin ang iba pang 19 na iba pang pulis  na inisyuhan na ng warrant para sa kasong kriminal.

Ayon kay Remulla, kailangan na mapanagot ang mga pulis na sangkot sa drug haul   at lumitaw ang kanilang mga partisipasyon sa nasabing  drug operations.

May paniniwala rin si Remulla na nagiging kalakaran na ang  pagsasagawa ng  ‘moro morong’ drug operations upang makakuha ng  reward, maibenta kontrabando at muling makapag-operate.

Ani Remulla, hindi sinsero ang  PNP sa paglilinis  sa kanilang hanay kung  patuloy ang katulad na kalakaran kaya nagdesisyon siyang  imbestigahan ang  anti-illegal drug operations mula 2016 hanggang 2022.

Binigyang-diin pa ng kalihim na kanilang hahabulin ang mga “rogue cops” na sumisira sa magandang imahe ng 225,000-strong police force sa bansa.

JONVIC REMULLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with