^

Metro

Higit 3K Yolanda victims, nabigyan ng libreng bahay at lote ng NHA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Higit 3K Yolanda victims, nabigyan ng libreng bahay at lote ng NHA
President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. leads the turnover of permanent housing to Yolanda victims during his visit in Leyte on January 17, 2025.
Photo courtesy of Moises Cruz) | via Miriam Desacada

MANILA, Philippines — Nabiyayaan ng libreng pabahay at lote mula sa pamahalaan sa pamamagitan ng National Hou­sing Authority (NHA) ang may 3,517 pamilya na nabiktima ng bagyong Yolanda sa Leyte noong Nobyembre 2013.

Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kasama si NHA General Manager Joeben Tai ang personal na nanguna sa isang seremonya para sa pagkakaloob ng housing units sa mga benepisyaryo .

Ang naturang mga housing units na naitayo sa ilalim ng Yolanda Permanent Housing Program (YPHP) ng NHA ay matatagpuan sa Cool Spring Residences, Riverside Community Residences, Mont Eagle Ville Subdivision, Coconut Grove Village, Dagami Town Ville, at Pastrana Ville, lahat sa Leyte; sa Marabut Ville Sites 1 at 2, sa Samar; at sa Culaba Housing Project naman sa Biliran na pawang winasak ang mga tahanan sa paghagupit ng bagyong Yolanda sa naturang lalawigan.

Ang naturang Pabahay sa mga Yolanda victims ay matibay at kayang siguruhing ligtas ang mga pamilyang benepisyaryo nito sa panahon ng kalamidad tulad ng bagyo dahil sa disaster resilient design na ipinatupad dito ng NHA.

Hiniling ni Pangulong Marcos at NHA sa mga benepisyaryo na ingatan at pagyamanin ang naipagkaloob sa kanila ng pamahalaan para makapamuhay ng maayos sa kanilang mga komunidad.

NHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with