Williams gustong bumalik sa PBA
MANILA, Philippines — Hindi pa rin isinasara ni Filipino-American Mikey Williams ang pintuan sa posibleng pagbabalik nito sa Philippine Basketball Association.
Maninging ang playing years nito sa PBA kung saan itinanghal ito ng dalawang beses bilang PBA Finals MVP.
Naghihintay lamang ng tamang panahon si Williams para maikasa ang kaniyang PBA return.
“Only time can tell,” ani Williams sa isang ulat.
Nasilayan sa aksiyon si Williams kasama ang TNT Tropang Giga.
Bahagi ito ng Tropang Giga na nagkampeon noong 2021 All-Filipino Confence at 2023 Governors’ Cup.
Sa parehong kumperensiya, itinanghal na Finals MVP si Williams.
Kasalukuyang nasa bansa si Williams dahil bahagi ito ng Strong Group Athletics na sasabak sa 2025 Dubai International Basketball Championship.
- Latest