^

Metro

Healthcare benefits sa mga senior kulang - Pasig Senior Citizens Federation

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pagkadismaya ang isang grupo ng mga senior citizen sa Pasig City government dahil sa umano’y  kulang na mga  healthcare program at benefits na isa sa pinaka kailangang serbisyo ng mga matatandang Pasigueño.

Ayon kay Federation of Pasig Senior Citizens Association President Alexander Arreola, kulang ang medical mission para sa kanilang mga konsultasyon at check up lalo pa’t  kailangan ng mga seniors ang regular na pagmomonitor sa kanilang  kalusugan.

Bagaman mayroon umanong ibinibigay na medical services katulad ng iba’t ibang vaccines gaya ng animal bites vaccines, hindi naman umano ito sumasapat sa pangangailangan ng mga senior citizen.

Sinabi pa ni Arreola na matagal din umano ang pamimigay ng mga maintenance medicines sa mga matatandang Pasigueño dahil pinadaraan pa ang mga ito sa mga barangay ng lungsod. Ang iba pa umano sa mga ito ay malapit na ang expiration dates.

Giit naman ni FPSCA Vice President Reynaldo Malilay na matagal din umano ang bigayan ng mga gamot at maintenance.

Ito aniya ang dahilan kung bakit dinagsa ang medical mission ng St. Gerrard Charity Foundation na pinamahalaan ng pamilya ng Sarah Discaya o mas  kilala sa tawag na Ate Sarah.

Sinabi naman ni Discaya na ito lamang ang isa sa kanyang mga paraan upang mapunan ang kakulangan ng city government sa benepisyong natatanggap sana ng Pasigueno.

SENIOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with