^

Metro

Traslacion 2025 inabot ng 20 oras, higit 8 milyong deboto lumahok

Mer Layson, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Traslacion 2025 inabot ng 20 oras, higit 8 milyong deboto lumahok
Devotees swarm the carriage carrying the image of the Black Nazarene along Ayala Bridge in Manila as they try to touch the centuries-old statue during the annual Traslacion on January 9, 2025.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Inabot ng 20 oras ang Traslacion 2025 na nilahukan ng mahigit 8 milyong deboto ayon sa pagtaya ng  National Disaster Risk Reduction Mana­gement Council (NDRRMC).

Ala-1:25 ng mada­ling araw kahapon nang maipasok ang Andas sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno sa Quiapo mula sa Quirino Grandstand na nagsimulang tumulak bandang alas-4:40 ng madaling ng Huwebes.

Nabatid na bumagal ang daloy ng Traslacion nang mapatid ang lubid na  humihila at nagbabalanse sa Andas. Nagdulot din ng  pagbabagal at paghinto ng Andas ang  mga deboto na nagpupumilit na makasampa at makahalik sa Poong Nazareno.

Batay sa datos, nasa 1,290,590 katao ang nasa Quirino Grandstand; 387,010 ang sumama sa Traslacion  habang nasa 6,446,450 ang nasa paligid ng Quiapo Church.

Samantala, umakyat na sa 917 deboto ang iniulat na nasugatan at na­bigyan ng lunas ng Philippine Red Cross (PRC)  sa katatapos na Traslacion 2025.

Nasa 30 deboto naman ang kinailangang isugod sa ospital dahil sa pagduduwal, pananakit ng dibdib, napin­salang ilong, na-dislocate na balikat, pananakit ng bukung-bukong, ma­tinding pananakit ng likod, suspected fracture, at matinding pagdurugo.

Samantala, itinutu­ring naman ng Philippine National Polic (PNP) na ‘generally peaceful’ ang Traslacion 2025   batay na rin sa koordiinasyon ng PNP, Manila City government, Quiapo Parish at iba pang mga stakeholders.

NDRMMC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with