^

Metro

Libu-libong deboto dumagsa na sa ‘Pahalik’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Libu-libong deboto dumagsa na sa ‘Pahalik’
Devotees line up to touch and wipe with their handkerchief or towel the feet of the Nazareno image during the first day of "Pahalik" at the Quirino Grandstand in Manila on January 6, 2025 three days before the Feast of the Black Nazarene.
Edd Gumban/The Philippine STAR

No-fly, no-sail zone sa Traslacion

MANILA, Philippines — Ipinaiiral na ngayon ng mga awtoridad ang ‘no-fly zone’ at ‘no-sail zone’ sa ruta ng Traslacion 2025, habang ipatutupad na rin ang gun ban at liquor ban upang masiguro ang maayos, ligtas at mapayapa ng pagdaraos ng mga aktibidad para sa pista ng Poong Nazareno bukas,  Enero 9 .

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), sinimulan na nilang ipa­tupad ang no-sail policy nitong Lunes, Enero 6 na mananatili hanggang sa Biyernes, Enero 10.

Sinabi naman ni Manila Police District (MPD) Director PBGen. Thomas Ibay, ipinatutupad na ang ‘no-fly zone’  o pagbabawal sa pagpapalipad ng ng eroplano sa lugar at maging ng mga drones na bahagi pa rin ng security preparations ng PNP

Nagsimula na rin umiral kaninang mada­ling araw ang gunban na epekto hanggang 11 at liquor ban na epektibo hanggang Enero 10.

Una nang idineklara ng Malacañang na special non-working day ang Enero 9 sa lungsod ng Maynila.

Patuloy ang pagdagsa ng mga deboto  sa Quirino Grandstand sa Maynila kasabay ng ‘Pahalik’ sa Pista ng Poong Hesus Nazareno hanggang bukas na susundan ng Traslacion.

Nabatid na mas pinaaga ang Pahalik na sinimulan ganap na alas-12:00 ng madaling araw kahapon upang mas maraming deboto ang makadalaw sa Nazareno.

Ayon kay Manila Police District (MPD) chief PBGen Thomas Ibay, hatinggabi pa lamang ay nasa 600 deboto na ang nasa venue ngunit bahagya aniya itong nabawasan pagsapit ng alas-7:00 ng umaga.

Inaasahan naman ni Ibay na lalo ang darami ang mga taong pipila para sa pahalik ngayong Miyerkules hanggang Huwebes, kung kailan idaraos naman ang Traslacion 2025 o ang prusisyon upang ibalik sa Quiapo Church ang imahe, na inaasahang lalahukan ng millyun-milyong deboto.

Samantala, paalala naman ni Nazareno 2025 Feast Adviser Alex Irasga, hindi na kailangan pang halikan ang Nazareno bagamat ‘Pahalik’ ang tawag dito. Maaari namang magdala ng panyo at ipupunas sa  Nazareno.

Sa pamamagitan nito aniya, maiiwasan din ang pagkalat ng virus.

Panawagan naman ni Manila Mayor Honey Lacuna sa mga deboto, sumunod sa health protocols gaya nang pagsusuot ng face masks.

“Patuloy pa rin po sana na ipatutupad natin ‘yong handwashing,­ sani­tizing, at kung maari po, kung hindi naman sagabal ay ang paggamit po ng facemask,” anang alkalde.

TRASLACION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with