^

Metro

Higit P1 milyong paputok winasak ng Quezon City Police District at SPD

Ludy Bermudo, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa mahigit P1 milyon ang halaga ng mga paputok na winasak ng Quezon City Police District (QCPD) at Southern Police District (SPD) kahapon.

Ayon kay QCPD Director PCol. Melecio Buslig, Jr., mahigit P600,000 halaga ng ipinagbabawal na paputok at pyrotechnics sa isinagawang sabay-sabay na disposal activity sa QCPD ground, Camp Karingal, Sikatuna Village, Quezon City kahapon ng umaga.

Ang pagwasak ay pinangunahan nina P/Col. Roman Arugay (ADDO), PCol Joel Villanueva (CDDS), PL.t Col. Edgar Batoon (OIC, DMFB), at PLt. Col. Vicente Bumalay (OIC, DOD).

Pinangasiwaan ito ng mga tauhan mula sa Explosive and Ordnance Division (EOD) at Bureau of Fire Protection (BFP).

Nasa 55 na operasyon na isinagawa ng 16 na istasyon ng pulisya at iba’t ibang unit ng QCPD ang nagresulta sa pagkakakumpiska ng P657,282 halaga ng ipinagbabawal na paputok at pyrotechnics.

Kabilang sa mga nakumpiskang ipinagbabawal na paputok ay ang Piccolo, Poppop, Five Star, Pla-Pla, Giant Bawang, Giant Whistle Bomb, Atomic Bomb (Super Lolo), Mother Rockets (Boga), Small Judas Belt, Kwitis, fountains ng iba’t ibang laki, Leopard King Pacquiao, Kingkong, Sputnik Gold, at Improvised Boga.

Samantala, sabay-sabay ding winasak kahapon ang nasa 32,692 piraso ng sari-saring iligal na paputok at 871 piraso ng boga na iba’t ibang sukat sa Southern Police District (SPD) headquarters, sa Taguig City.

Ang illegal firecrac­ker na kinabibilangan ng kwitis, lucis, whistle bomb, fountain, Judas belt, 5 star, super lolo, pla-pla , piccolo at iba pa ay  katumbas ng ?424,178.00 at  mga boga na yari sa PVC ay nakumpiska noong Disyembre 16, 2024, hanggang Enero 6, 2025, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa paputok sa pamamagitan ng serye ng mga operasyon at inspeksyon.

Sinabi ni SPD Director PBGen. Manuel Abrugena na mas mababa ang bilang ng mga insidente kumpara sa mga nakaraang taon.

QCPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with