^

Metro

Disenyo ng andas binago sa Traslacion 2025

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Disenyo ng andas binago sa Traslacion 2025
Personnel from the Department of Public Works and Highways (DPWH) apply asphalt to damaged sections of Quezon Boulevard near the Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno on January 4, 2025.
Noel Pabalate/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Binago ang disenyo ng andas ng Poong Jesus Nazareno para sa Traslacion sa Enero 9, 2025 upang matiyak na hindi matuntungan ng mga deboto at nilagyan ng ventilation system ang loob para maiwasan ang moisture.

Ayon kay Quiapo Church Technical Adviser Alex Irasga, nagkaroon umano ng malaking pagbabago sa disenyo ng andas upang mas maging maayos at ligtas kumpara sa mga nakalipas na pagdaraos ng Traslacion.

Mula sa dating nakalantad na imahe ng Poong Nazareno habang inililibot ito, sa bagong disenyo, nasa loob na ito ng tempered glass na may bubong at mga ilaw.

Nilinaw ni Irasqa na layon ng innovation na mas makita ang Poong Hesus Nazareno ng milyun-milyong deboto sa halip na ang mga deboto ang nakikita dahil natatabunan ng mga sumasampa sa andas.

“Pinakikiusapan po ang lahat na huwag nang sumampa sa andas upang higit na makita ang imahen ng Hesus Nazareno ng higit na nakararami nating kapatid na kapwa deboto. Nawa ay paraanin at iwasan na salubungin ang lubid at andas. Maari pa rin tayong magpahid ng panyo sa mga itinalagang Hijos sa andas para maipahid,” apela ni Irasga.

Hindi naman binago ang ruta ng prusisyon na daraan sa tatlong plaza, mga parke, 18 national at city roads, anim na tulay at isang underpass.

NAZARENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with