Wala ng ‘Palit-Ulo scam’ victim - Valenzuela LGU
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian na wala nang magiging biktima pa ng ‘Palit-Ulo Scam’ sa lungsod matapos ang pagkakaayos ng mga biktima at ng ACE Medical Center sa dahil na rin aksiyon ng LGU.
Ang paniniyak ay ginawa ni Gatchalian, kasabay ng mahigpit na pagpapatupad sa Ordinance No . 1178 o Anti-Hospital Detention Ordinance na nagbabawal sa mga healthcare institutions o workers na magkulong o mang’hostage’ ng kanilang pasyente o kamag-anak.
Ayon kay Gatchalian, prayoridad nila ang kapakanan ng bawat Valenzuelanos partikular na ang usapin sa kalusugan at edukasyon.
Ani Gatchalian, hindi nila hahayaan na may residente ng Valenzuela na maaapi at masasamantala.
Binigyan diin ng alkalde na ang nasabing ordinansa ang magsisilbing ‘armas’ ng mga Valenzuelano upang hindi maloko sa kanilang mga karapatan.
Dito ay pinasalamatan ni Gatchalian si Councilor Atty. Bimbo dela Cruz na siya ring action officer ng LAMP-SINAG upang maisakatuparan ang pagkakaayos ng mga biktima at ng naturang ospital.
Apela ni Gatchalian sa mga Valenzuelanos, maging mapanuri at maingat laban sa mga scam at agad na ireport sa kanilang tanggapan.
Matatandaang napag-ayos ng Valenzuela LGU ang mga biktima ng Palit Ulo Scam at ACE Medical Center kung saang tumanggap ng tig P1 milyon ang apat na biktima.
- Latest