^

Police Metro

VP Sara, handang harapin ang 3 impeachment complaints

Mer Layson - Pang-masa
VP Sara, handang harapin ang 3 impeachment complaints
Vice President Sara Duterte attends the House Committee on Good Government and Public Accountability's seventh hearing on Nov. 25, 2024. This is her second time appearing at the probe into her office's confidential funds, but the first time she took her oath after refusing on September 18, 2024.
House of Representatives / Released

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Vice President Sara Duterte na handa niyang harapin ang kinakaharap na tatlong impeachment complaints sa Kongreso.

Sa isang media interview, nanindigan din ang bise presidente na wala siyang nilabag na anumang batas.

“Well, I am confident that I did not break any law. I did not do anything illegal… Kapag nandiyan na ang kaso, haharapin pa rin namin,” aniya sa isang panayam.

Siniguro rin naman niya na naririyan ang kanyang mga abogado upang idepensa siya laban sa mga reklamong kinakaharap.

Una na ring tiniyak ni VP Sara na ang kanyang amang si dating Pang. Rodrigo Duterte ay isa sa mga tatayo niyang abogado.

Matatandaang tatlong impeachment complaints na ang isinampa laban kay VP Sara dahil sa umano’y maling paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP).

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with