Presyo sa petrolyo, sisirit sa bisperas ng Bagong Taon

Ayon sa abiso ng Shell Pilipinas Corporation, magtataas sila ng 50 sentimos sa kada litro ng gasolina, P1.45 kada litro sa diesel at 75 centavos sa kada litro ng kerosene.

MANILA, Philippines — May dagdag pasanin na naman ang mga motorista sa susunod na linggo bunsod ng muling pagtaas ng pres­yo ng mga produktong petrolyo sa bisperas ng Bagong Taon.

Ayon sa abiso ng Shell Pilipinas Corporation, magtataas sila ng 50 sentimos sa kada litro ng gasolina, P1.45 kada litro sa diesel at 75 centavos sa kada litro ng kerosene.

Sinasabing ang galaw sa nagdaang apat na araw na ­presyuhan ng petrolyo sa Merkado ang ugat ng oil price hike.

Ang oil price adjustment ay epektibo sa December 31, Martes sa Bisperas ng Bagong Taon.

Show comments