MANILA, Philippines — Inanunsiyo ng US Embassy na sarado ang kanilang tanggapan sa Maynila ngayong Martes, Disyembre 24, kasunod na rin ng kautusan mula kay US Pres. Joseph Biden.
Bunsod nito, ang lahat ng visa interview at routine American Citizens Services (ACS) appointment na naka-schedule sa nasabing araw ay ipagpapaliban muna at ililipat na lamang ng ibang araw.
Gayunman, mananatili namang bukas ang offsite Visa Application Center para sa aplikante na naka-iskedyul para sa photo at fingerprint collection.
Pinayuhan din naman ng embahada ang mga visa applicants na i-check ang kanilang registered emails para sa bagong schedule at rescheduling instructions.