Wanted sa kasong kidnapping, serious illegal detention timbog
MANILA, Philippines — Bumagsak sa mga kamay ng Quezon City Police District-Police Station 11 ang No.3 Most Wanted dahil sa kasong kidnapping at illegal detention sa Galas, Quezon City.
Kinilala ni QCPD- Police Station 11 commander LtCol. Joseph dela Cruz ang suspek na si Ireneo Tatel, 36, ng Brgy. San Isidro, Galas, QC.
Nabatid na naglabas ng warrant of arrest angBranch 297 ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) laban kay Tatel sa 2 counts ng kasong kidnapping at serious illegal detention.
Wala namang inirekomendang piyansa amg korte.
Sinabi naman ni QCPD Director PCol. Melecio Buslig, Jr., ang pagdakip kay Tatel ay patunay ng patuloy na pagsusumikap ng QCPD sa pagpapairal ng batas at paghahatid ng katarungan sa mga biktima.
Samantala sa Valenzuela City, dinakip si alyas Egay, 52 na No.2 Most Wanted sa lungsod matapos na naispatan sa Brgy. Maysan.
Inaresto si alyas Egay sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong Nobyembre 4, 2024, ni Presiding Judge Evangelista Mendoza-Francisco ng Regional Trial Court Branch 270, Valenzuela City para sa kasong 2 counts ng statutory rape na walang inirekomendang piyansa ang korte.
Nabatid na ang suspect ay nagtago sa batas matapos na mabatid na isinuplong na siya ng menor de edad nitong biktima sa mga awtoridad.
Sa pangunguna ni PLt Jaime Abarrientos, kasama sina PMSg Junrey Singgit, PSSg Jonathan Mansibang, PSSg Neil Maurice Mendoza, PSSg Kollen Primo at PCpl Roland Buenaventura sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Major Roel Sison, hepe ng SIDMS, agad nasagawa ang WSS ng operation na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong alas-12:30 ng tanghali sa Lucas St., Brgy. Maysan ng nasabing lungsod.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Valenzuela City Police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman.
- Latest