^

Metro

1,600 pulis-Quezon City idedeploy sa ‘Ligtas Paskuhan 2024’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng publiko sa pagdiriwang ng yuletide season sa Quezon City, ikinasa na ng Quezon City Police District (QCPD) ang “Ligtas Paskuhan 2024”.

Ayon kay QCPD ­acting district director PCol. Melecio Buslig Jr,, halos nasa 1,600 ng kanyang mga tauhan ang ipakakalat sa iba’t ibang lugar sa lungsod.

Makakatuwang ng QCPD sa pagbibigay seguridad ang mga tauhan ng barangay, private security agencies, NGO at mga civilian volunteer organizations.

Ayon kay Buslig, makikita ang mga pulis sa mga simbahan, pangunahing lansa­ngan, mga terminal ng bus, mga istasyon ng MRT at LRT, mga mall, palengke, supermarket/grocery store, community firecracker zones, firecracker display areas at iba pang mga lugar.

Mayroon aniyang 2,915 equipment ang QCPD na kanilang gagamitin sa pagmo-monitor at mabilisang pagtugon sa anumang untoward incident kabilang ang mga motorsiklo, bike, mobile car, bus, trak, ambulansya, base at handheld radio, body-worn camera, drone, at CDM equipment.

QCPD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with