NCRPO tiniyak hustisya sa kaso ni De Asis
MANILA, Philippines — Tiniyak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief PBGen. Anthony Aberin na bibigyan ng hustisya ang karumal dumal na pagpatay PEMS na si Emmanuel De Asis ng kanyang mga kabaro.
Ang paniniyak ay ginawa ni Aberin kasunod ng kanyang kautusan sa kanyang Command Group na tutukan ang kaso at siguraduhin na magiging patas sa imbestigasyon.
Partikular na inatasan ni Aberin si Southern Police District Director, PBGen. Bernard Yang kasabay ng pahayag na ingatan ang mga ebidensya at airtight ang isasampang kaso at tiyaking patungo sa conviction.
Nabatid na noong Biyernes ng gabi nang ipasa na ng Taguig City Prosecutor’s Office sa Department of Justice (DOJ) ang nasabing reklamo laban sa mga suspek na may ranggong “Lt Col” at “PEMS”.
Inatasan niya ang Regional Investigation and Detection Management Division ng NCRPO na mabilis na simulan ang administrative investigation laban sa mga suspek.
Agad na isinailalim sa restrictive custody ang mga suspek alinsunod sa PNP MC 2017-023. Kung kinakailangan ng ebidensya at pagkatapos maisagawa ang naaangkop na mga prosesong legal, ang mga suspek na sangkot ay dapat na tanggalin sa serbisyo habang nahaharap sa mga kasong kriminal laban sa kanila.
“There will be no stone left unturned in this investigation. The pieces of evidence are overwhelming and I specifically instructed concerned units to ensure the filing of airtight criminal and administrative cases against the suspects,” ani Aberin.
- Latest