Dumaraang sasakyan nasa 464,000 araw araw — MMDA
EDSA Overload
MANILA, Philippines — Masasabing over loaded na ang EDSA dahil sa pagdoble ng bilang ng mga sasakyang dumaraan dito araw araw.
Ito naman ang sinabi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Don Artes kung saan pumalo sa 464,000 na mga sasakyan na ang naitatalang dumaraan sa EDSA kada araw.
Halos doble ito sa bilang na 250,000 at carrying capacity ng EDSA.
Pinakadagsa ang sasakyan sa EDSA sa tuwing rush hours na alas 6:00-9:00 ng umaga at alas 4:00-9:00 ng gabi.
Dahil dito, pinayuhan ni Artes ang publiko na planuhin ang oras ng pag-alis upang hindi maapektuhan ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko.
Inaasahang higit pang tataas ang bilang lalo na ngayong weekend na natapat sa sweldo at panahon ng pamimili ng mga pamasko at panregalo.
“Tayo na nanawagan sa ating mga kababayan na planuhing mabuti ‘yung pagbiyahe lalo na ngayong weekend,” ani Artes.
- Latest