^

Metro

PCG, heightened alert simula Disyembre 13

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Simula Disyembre 13, naka-heightened alert na ang Philippine Coast Guard (PCG) bilang bahagi ng nalalapit na Kapaskuhan.

Ayon sa PCG, ­ipatutupad ang heightened alert hanggang sa ­Enero 6, 2025, bunsod na rin nang inaasahang pag­dagsa ng mga biyahero sa mga pantalan na layong matiyak na maayos, ligtas at kumbinyente ang pagbiyahe sa mga karagatan ngayong Christmas season

Alinsunod sa direktiba ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, nabatid na inatasan na ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang lahat ng Coast Guard districts, stations, at sub-stations na paigtingin ang security at safety measures sa mga pantalan at mga terminals.

Nais din umano nilang masiguro na magiging mapayapa ang pagdiriwang ng Pasko at may sapat na seguridad ang mga turista sa mga beach at private resorts sa buong bansa.

“Our kababayans have long been waiting for this season to spend quality time with their families and loved ones, either at their home pro­vinces or in various vacation spots. Thus, we are anticipating and prepa­ring for the high volume of maritime traffic,” ayon kay Gavan.

Idinagdag pa ni Galvan na  nagsasagawa  sila  24/7 ng monitoring sa nautical highways routes partikular sa Visayas  kung saan pinakama­rami ang nagpupuntang turista at nagsisiuwi sa kanilang mga probinsiya.

 Nabatid na sakop ng western seaboard monitoring ang Batangas, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Aklan, Iloilo, at Zamboanga regions habang ang sakop naman ng eastern seaboard monitoring ang  Manila, Bicol region, Samar, Leyte, at Surigao provinces. Samantala, pinaaalalahanan din ni Gavan ang mga pasahero at kanilang mga kapwa Coast Guardians na maging vigilante sa pag-iinspeksiyon ng mga pasahero at mga gamit ng mga ito para matiyak ang kanilang ligtas na pagbiyahe.

PCG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with