^

Metro

Lola, todas sa salpok ng bus

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Lola, todas sa salpok ng bus
Dead on the spot si Erlinda Linay Aguilar, Escopa IV, Quezon City habang naaresto ang suspek na si alyas Siguerra, 51, at residente ng Better Living Subd., Parañaque City.
STAR / File

MANILA, Philippines — Isang 57-anyos na lola ang namatay matapos na masagasaan at pumailalim sa gulong ng bus nang habulin ng driver nito ang stoplight sa Quezon City nitong Sabado ng gabi.

Dead on the spot si Erlinda Linay Aguilar,  Escopa IV, Quezon City  habang naaresto ang suspek na si alyas Siguerra, 51, at residente ng Better Living Subd., Parañaque City.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 3, bandang 6:00 ng gabi nitong  Sabado nang maganap ang aksidente sa P. Tuazon kanto ng J.P Rizal, sa Brgy. Marilag, Quezon City.

Batay sa imestigas­yon, nasa kalagitnaan ng pedestrian lane ang matanda nang biglang kumaliwa ang Daewoo Truck Bus na minamaneho ni Siguerra sa intersection, at nasalpok ang biktima.

Sinabi ni Brgy. Marilag responder Danilo Gapas, hinahabol umano ng bus driver ang stoplight kaya ‘di napansin na may tumawid na matanda.

Rumesponde ang mga barangay tanod upang tumulong sa pagkuha ng bangkay ng matanda sa ilalim ng gulong ng bus na ­umabot ng dalawang oras.

Ayon sa driver,  hindi niya nakita ang matandang tumatawid kaya niya nasagasaan nagulat na lamang siya nang  may kumalabog sa bandang likuran.

Inihahanda na ang kasong reckless imprudence resulting in homicide laban sa bus driver.

QCPD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with