Fire victims tumanggap ng ayuda sa Manila LGU
MANILA, Philippines — Tumanggap ng agarang tulong mula kina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo, ang mga pamilyang biktima ng sunog sa Sampaloc.
Personal na iniabot nina Lacuna at Servo ang pakikiramay at tulong-pinansyal sa mga pamilyang may kaaanak na nasawi sa insidente ng nasabing sunog, kasama si Manila department of social welfare chief Re Fugoso.
Matapos ito, kaagad ding nagtungo sina Lacuna at Servo sa Intramuros upang bisitahin ang panibagong mga biktima ng sunog doon.
Nabatid kay Fugoso na bawat pamilyang na-displaced ng sunog ay pinagkalooban ng P10,000 habang ang mga pamilyang may kaanak o kasama sa bahay naman na nasawi sa sunog ay pinagkalooban ng P20,000 bawat isang pamilya.
Tumanggap din sila ng iba pang tulong sa pamahalaang lungsod tulad ng hot meals, hygiene kits at iba pang essentials.
Matatandaang anim katao ang namatay kabilang na ang dalawang bata, sa sunog na tumupok sa isang residential building sa kanto ng Laong Laan St., at Blumentritt St. sa Sampaloc.
- Latest