1,500 batang Malabueños tumanggap ng regalo mula kay Pangulong Marcos
MANILA, Philippines — Hindi maitago ang saya ng nasa 1,500 batang Malabueño na may edad 5-12 makaraang makatanggap ng regalo mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong”
Marcos Jr., kasabay ng isinagawang gift-giving activity sa Malabon Sports Complex.
Nabatid kay Malabon City Mayor Jeannie Sandoval na sa ilalim ng “Balik Sigla, Bigay Saya,” layon ng pamahalaan na mabigyan ng kasiyahan ang mga bata na nakatanggap ng trolley bags, relo, tumblers, socks, face at hand towels at kapote na magagamit sa pag-aaral.
Binigyan diin ni Sandoval na ang gift giving ay indikasyon na hindi nakakalimutan ng pamahalaan na pasayahin ang bawat Pilipino, matanda man o bata.
“Patunay ang mga ganitong programa na tayong mga Pilipino ay nagkakaisa ano man ang panahon. Kasabay nito ay ang ating pagtampok ng kulturang Bayanihan para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan 2024. Sama-sama tayo sa pag-unlad at pag-ahon. Kaya’t tayo ay nagpapasalamat sa Pangulo sa pagbibigay ng saya sa mga bata sa lungsod,” ani City Administrator Dr. Alexander Rosete.
- Latest