^

Metro

6 natusta sa sunog sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
6 natusta sa sunog sa Maynila
Isa isang binubuhat ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at tauhan ng punerarya ang labi ng mga biktima sa sunog na sumiklab kahapon ng madaling araw.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Patay ang anim katao kabilang ang dalawang paslit nang sumiklab ang nasunog sa isang residential building, sa Sampaloc, Maynila kahapon ng madaling araw.

Ang mga nasawi ay miyembro ng dalawang pamilya na hindi pa ibinunyag ang pagkaka­kilanlan habang isinusulat ang balitang ito.

Sa ulat ng Bureau of Fire-Manila, nagmula sa ika-3 palapag ang apoy ng isang four-storey residential building na pag-aari ng pamilya ni Nida Rivera Pili ang nasunog sa No. 1247 Blumentritt St. Sampaloc, Manila.

Nagsimula ang apoy alas-2:40 ng madaling araw na  umakyat sa 2nd alarm pagsapit ng alas- 2:50 ng madaling araw hanggang sa fire under control alas-3:47 at fire out ng  alas-4:24 ng madaling araw  ni Fire Senior Supt. Aristotle Bañaga.

Isang bahay lang ang naapektuhan na tinata­yang humigit-kumulang sa P120,000.00 ang napinsalang ari-arian habang nasa siyam na pamilya o 27 indibiduwal ang naapektuhan.

Umabot sa 63 trak ng bumbero ang rumes­ponde na kinabibilangan ng 12 mula sa BFP, 40 volunteer at isang truck ng local government unit, at 3 ambulansya.

Naging pahirapan ang pagpasok sa nasusunog na bahay dahil sa sobrang sikip ng eskinita papasok na halos isang taon lang ang nagkakasya, ayon sa BFP.

Ayon sa mga bumbero, natagpuan ang tatlong bangkay sa ika-4 na palapag habang ang tatlo pa ang nakita sa ground floor na pinaniniwalaang nahulog mula sa ikalawang palapag nang matupok dahil yari sa kahoy ang sahig.

Hinihinalang electrical ang sanhi dahil pawang natutulog ang mga tao nang maganap ang sunog.

FIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with