DHSUD hiling mamagitan sa 10 ektaryang land dispute sa Las Piñas
MANILA, Philippines — Hiniling ng Las Piñas LGU sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na muling pulungin ang inter agency committee upang maresolba usapin sa 10-ektaryang lupa sa Barangay BF International Village-CAA.
Ang nasabing lupa ay na nasa ilalim ng Air Transportation Office (ATO) ay maaari nang ipamahagi sa 5,000 pamilya na dekada nang nag-ookupa sa lugar.
Subalit ayon kay Las Piñas Councilor Mark Anthony Santos hanggang sa ngayon ay hindi pa nareresolba ang isyu simula pa noong Hulyo 1994 matapos na ibasura ng Las Piñas, ATO, National House Authority, Presidential Commission for the Urban Poor and Housing and Urban Development Coordinating Council ang memorandum of agreement (MOA).
Ayon kay Santos, sakop ng MOA ang housing development scheme, pagbuo ng committee na magsisilbing policy body at kikilos upang maisakaturapan ang proyekto.
Giit ni Santos, September 1994 nang mag- isyu ng Memorandum Order No. 233 si dating Pangulong Fidel Ramos sa pagbubuo ng inter agency committee upang resolbahin ang usapin.
Subalit sa kabila ng inter agency, tumanggi ang ATO na ibigay ang lupa at sa halip ay gagamitin bilang stations at support facilities.
Layon ng DHSUD sa kanilang 4PH Program na mabigyan ng maayos na tirahan ang mga informal settlers.
- Latest