^

Metro

Provincial buses pinayagang gumamit ng EDSA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Provincial buses pinayagang gumamit ng EDSA
Sinabi ni MMDA Chairman Don Artes, ang vo­lume ng mga sasakyan na gumagamit ng Edsa ay umabot na sa 464,000 at inaasahang tataas pa sa 470,000-480,000 sa ikalawa at ikatlong linggo ng Disyembre sa travel speed na 18 kilometers per hour na average at mas mababa naman sa normal na 21 kph. Inaasahan din na bababa sa 15kph habang papalapit na ang Araw ng Pasko.
Michael Varcas

Ngayong holiday season

MANILA, Philippines — Pahihintulutang dumaan simula Disyembre 20 hanggang Enero 2 ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga provincial bus para sa mas mabilis na turn around time at para ma-accommodate ang mas maraming pasahero dahil sa inaasahan ang pagtaas ng volume habang papalapit ang holiday season.

Sinabi ni MMDA Chairman Don Artes, ang vo­lume  ng mga sasakyan na gumagamit ng Edsa ay umabot na sa 464,000 at inaasahang tataas pa sa 470,000-480,000 sa ikalawa at ikatlong linggo ng Disyembre sa travel speed na 18 kilometers per hour  na average at mas mababa naman sa normal na 21 kph. Inaasahan din na bababa sa 15kph habang papalapit na ang Araw ng Pasko.

Sa Disyembre 20-25  simula alas-10 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga ay maari silang dumaan sa EDSA habang Disyembre 26 hanggang Enero 2, 2025, ang mga bus na ito ay papayagan sa nasabing major thoroughfare 24 oras. Mahigit 2,100 bus ang makikinabang sa nasabing holiday traffic scheme

Ang lahat ng provincial buses na mangggaling sa norte ay magtatapos sa Cubao, Quezon City  habang ang magmumula sa south ay hanggang sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) Pasay City.

“Albeit there is an expected increase in vehicular volume this Christmas season, we want our bus operators to serve more passengers for their convenience and faster travel to their respective destinations,” ani Artes, at tiniyak na hindi maapektuhan ng adjustment ang bus carousel trips.

Pnalawig din ang duty ng MMDA traffic personnel hanggang 12 ng hatinggabi mula sa normal deployment na alas-10:00 ng gabi.

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with