^

Metro

Ex-military, 3 pa timbog sa bentahan ng high powered firearms

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaresto ng National Bureau of Investigation -National Capital Region (NBI-NCR)  sa pamumuno ni NBI Director Judge Jaime Santiago (Ret.), ang apat (4) na indibidwal na kinabibilangan ng isang dating sundalo ang nadakip sa iligal na pagbebenta ng high-powered firearms, sa Parañaque City, iniulat kahapon.

Ayon kay Director Santiago, nakatanggap ang NBI-NCR ng ulat tungkol sa isang grupo na nag-ooperate ng iligal na pagbebenta ng high-powered firearms sa NCR at mga kalapit na lugar.

Isinagawa ang entrapment operation ng mga operatiba ng NBI-NCR noong Nobyembre 28, 2024 sa Asiana Square, Parañaque City, kung saan dalawang (2) M14 Cal. 5.56 rifle binibili ng poseur-buyers sa halagang P290,000.00.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na sina Jerome  Nuyque, Maximo Ayawon, Michael Douglas Loleng at Nilo Barnacha na nagbenta ng 2 high powered firearms.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang Daniel Defense M4 Carbine Cal. 5.56mm na may serial number SN 527520; isang Bushmaster Cal. 5.56mm na modelong xm15-E2S na may SN L548760; apat  5.56mm magazine; 20 live ammunitions ng cal. 5.56mm; isang itim na rifle tactical bag; dalawang dusted 1,000 peso bill kalahok sa boodle money na ginamit sa buy-bust; isang Shoo­ters Cal. 45 pistol na may SN M04184865; 12 Cal. 45 live na bala; isang CZ pistol Cal. 6.35 brow­ning; at anim na 6.35mm na live ammunition.

Isa sa apat na suspek ang nakumpirma sa ginawang validation na dating miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

NBI

NCR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with