^

Metro

Mga pensioners na sinalanta ng bagyo pwede na makakuha ng advance pensions – SSS

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maaari nang makakuha ng advance pension ang mga pensioners na naapektuhan ng nagdaang bagyong Kristine, Marce, Nika, Ofel, at Pepito.

Ayon sa Social Security System (SSS), maaari nang mag-aplay ang mga typhoon-hit pensioners ng 3 buwang advance pension sa pinakamalapit na branch ng SSS sa kanilang lugar hanggang December 21, 2024.

Ayon kay SSS Officer-in-Charge Voltaire P. Agas na hindi lamang mga SSS members kundi maging ang mga SSS pensioners na nabiktima ng kalamidad  ay tutulu­ngan ng ahensiya para sa mga pangangaila­ngan sa gastusin.

Ang mga pensioners na nakatira sa mga lugar na naideklarang cala­mity areas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang maaaring ma qualified sa  three-month advance pension.

“Pensioners can pick-up the benefit checks at the SSS branch where the application was filed within 10 working days. Otherwise, the check shall be mailed to their registered mailing address,” sabi ni Agas.

Anya ang SSS retirement pensioners ay maaari ring makautang sa ilalim ng SSS Pension Loan Program (PLP) na singhalaga ng kanyang  3,6,9 0 12 beses ng kanilang monthly pension kasama ang P1,000 additional benefit hanggang P200,000.

Ang mga qualified pensioners ay maaa­ring mag-file ng kanilang  loan applications online via My.SSS Portal (www.sss.gov.ph) o mag submit ng kanilang aplikas­yon sa  pinaka-malapit na SSS branch office.

“Once approved, pension loan proceeds would be credited to their nominated bank account or UnionBank quick card, within three wor­king days for online applications and five working days if filed over-the-counter through the SSS branch,” dagdag ni Agas.

PEPITO

SSS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with