^

Metro

P1.3 milyong shabu buking sa cookie jar, 2 ‘tulak’ timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
P1.3 milyong shabu buking sa cookie jar, 2 ‘tulak’ timbog
Ayon kay QCPD Director PCol. Melecio M. Buslig, ang mga suspek ay naaresto sa ikinasang buy-bust operation sa tabi ng isang hotel sa kahabaan ng EDSA Southbound, Brgy. San Martin De Porres, Cubao, Quezon City, nitong Huwebes, Nobyembre 28.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Himas rehas ang dalawang ‘tulak matapos na madiskubreng may dalang  shabu  na itinago sa loob ng  cookie jar at nagkakahalaga ng P1.3 milyon sa buy-bust  operation ng Quezon City Police District (QCPD) Cubao Police Station 7.

Ayon kay QCPD  Director PCol. Melecio M. Buslig, ang mga suspek ay naaresto sa ikinasang buy-bust operation sa tabi ng isang hotel sa kahabaan ng EDSA Southbound, Brgy. San Martin De Porres, Cubao, Quezon City, nitong Huwebes, Nobyembre 28.

Nakipag-ugnayan ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa Philippine Drug Enforcement Agency-Regional Office, para sa operasyon na humantong sa pagkakakumpiska ng humigit-kumulang 200 gramo ng shabu na may tinatayang street value na P1,360,000.

Nasa kustodiya na ngayon ng Cubao Police Station ang mga naarestong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Sinabi ni Buslig na ang pagkakasamsam ng illegal drugs ay resulta ng kanilang kampanya upang drug-free QC.

“Binabati ko ang mga operatiba ng PS-7 sa pamumuno ni PLt. Col Ramon Czar Solas para sa tagumpay na ito. Ipagpapatuloy natin ang ating masigasig na kampanya laban sa illegal na droga” ani Buslig.

QCPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with