Medical mission, youth forum tuluy-tuloy sa Pasigueño
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Pasig City mayoralty bet Sarah Discaya na tuloy-tuloy ang pagsasagawa nila ng medical mission at youth forum para sa kapakanan ng mga residente gayundin ng mga kabataan.
Ang paniniyak ay ginawa ni Discaya matapos na dagsain ng mga residente ang medical mission na pinangunahan ng St. Gerrard Charity Foundation at ng “Team Kaya This” kung saan namahagi ng libreng gamot at ng iba pang serbisyong medikal nitong Sabado, Nobyembre 23, sa Karangalan Covered Court, Barangay Dela Paz, Pasig City.
Nabatid na nakapamahagi ng libreng gamot, medical check-up, dental services, eye check-up and glasses, medical lab services, X-ray, at ECG ang grupo bukod pa sa mga wheelchairs, walking canes o tungkod, at mga saklay. Nagkaroon din ng lifestyle services kabilang ang massage, haircut, manicure, at pedicure.
Ang mga serbisyong ito ay sinabayan pa ng pet vaccination habang namimigay ng mainit na pagkain ang mobile kitchen ni Discaya na mas kilala bilang “Kusina ni Ate Sarah”.
Bukod sa mga libreng gamot at medical check-ups, naghatid din ng libreng kaalaman ang grupo ni Discaya sa mga kabataan sa isang youth forum sa MMI Building, Dr. Sixto Antonio Avenue, Pasig City.
- Latest