^

Probinsiya

P39 milyong high grade marijuana na made in Canada, nasamsam

Doris Franche-Borja, Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
P39 milyong high grade marijuana na made in Canada, nasamsam
Sa isinagawang imbestigasyon, personal na nagtungo sa Balagtas Municipal Police Station ang isang ginang upang ireport ang natanggap na package ng kanyang asawa mula sa isang delivery service.
The STAR / Miguel de Guzman, File

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P39 milyong halaga ng high grade marijuana ang nakum­piska ng mga otoridad mula sa isang kahina-hinalang kargamento nitong Miyerkules sa Balagtas, Bulacan.

Sa isinagawang imbestigasyon, personal na nagtungo sa Balagtas Municipal Police Station ang isang ginang upang ireport ang natanggap na package ng kanyang asawa mula sa isang delivery service.

Lumilitaw na ang kargamento ay ipinadala ng isang alyas “Paul” mula Toronto, Canada, ay nakapangalan sa kanyang nakakulong na kapatid. Ayon sa ginang,wala silang kamag-anak sa ibang bansa kaya hinala niyang ang package ay may kaugnayan sa kasong kinahaharap ng kanyang kapatid na nasangkot sa iligal na droga.

Kasunod nito, kumilos ang mga tauhan ng Balagtas MPS, kasama ang isang kagawad ng barangay, kinatawan mula sa Department of Justice (DOJ), at media representatives, upang beripikahin ang ulat.

Batay sa pagsusuri, natuklasan sa loob ng package ang 52 selyadong plastic na naglalaman ng hinihinalang high-grade marijuana na tumitimbang ng tinatayang 26 kilo at may standard drug price na umaabot sa P39 milyon.

Ayon naman kay Police Regional Office 3 (PRO3) Director PBGen. Redrico Maranan na patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy kung sinu-sino pa ang posibleng sangkot at kung gaano kalawak ang operasyon ng sindikato.

Posible rin aniyang bahagi ito ng isang mas malawak na international drug trade.

MARIJUANA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with