Mister suspek sa babaeng kinatay sa Las Piñas

MANILA, Philippines — Natukoy na ang pagkakilanlan ng babaeng pinatay sa 25 saksak nitong Lunes ng tanghali, sa madamong bahagi ng Gatchalian Road, Barangay Manuyo Dos, Las Piñas City.

Kinilala ang biktima na si Janilyn Quinto, 29, entertainer, at residente ng Barangay 30 Pasay City.

Iniimbestigahan ang insidente noong Nobyembre 18, nakita sa cellphone ng biktima na huling kausap ang isang Dennis Austria Quinto, at ang text message na “Goodbye”.

Nakilala ang pangalan ng biktima nang tumawag ang isang delivery rider gayundin ang address nito at iugnay sa huling sender ng message na si Dennis.

Nadakip si Dennis sa Galas, Quezon City na sinasabing nanunuluyan doon.

Nabatid na nakipag-hiwalay na ang biktima 2 taon na ang nakalipas at ang biktima ay may ibang nobyo. Siyam na taon na kasal ang mag-asawa at may isang pitong taong gulang na anak.

Hindi naman umamin sa pulisya ang suspek subalit ayon sa pulisya, ang mga ebidensiya at dalawang eyewitness ay nagtuturo sa kaniya.

Narekober ang isang kutsilyo, na batay sa kapatid ng biktima, dala-dala palagi ng suspek ang nasabing kutsilyo sa pagre-repair bilang technician.

Hindi umano akalain ng mga kaanak ng biktima na mauuwi sa ganung karumal-dumal na pagpatay dahil nagtatawagan pa umano ang dalawa ng paminsan-minsan, ayon kay P/Colonle Sandro Jay Tapalla, hepe ng Las Piñas Police Station.

Nangyari ang insidente alas-12 ng tanghali sa open field sa harapan ng The Tent.

Positibo ring itinuro ng security guard ang suspek na nakita niya sa crime scene.

Show comments