^

Metro

Iskul sa Quezon City ‘tinaniman’ ng 15 bomba

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nabulabog at nagka­tensiyon sa Batasan National High School sa Barangay Batasan Hills, Quezon City kahapon ng umaga nang  kumalat ang post sa facebook page ng paaralan ang umano’y mga nakatanim na bomba na umaabot sa 15.

Kasunod nito, agad na sinuspinde ng pamunuan ng nasabing paaralan ang face-to-face classes upang matiyak na ligtas ang mga guro at kanilang mga mag-aaral.

Mabilis ding rumes­ponde ang bomb squad kung saan agad na kinordon ang  paaralan.

Ayon kay PLt. Col. Ramil C. Avenido, Ground Commander ng Quezon City Police District (QCPD) dakong alas-11 ng umaga nang may post sa Facebook page ng paaralan na may nakakalat na 15 bomba sa nasabing paaralan.

Ang bomba ay  sasambulat bandang  alas-2 ng hapon.

Subalit nang inspeksiyunin at galugarin ng QCPD bomb squad at bomb sniffing dog  ang buong paaralan, wala  kahit isang bomba ang natagpuan.

Dahil dito nagpatupad ang paaralan ng mga asynchronous na klase sa hapon.

Gayunman, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya.

BOMBA

SCHOOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with