^

Metro

Riding-in-tandem na may dalang baril tiklo sa checkpoint

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang tatlong lalaki  kabilang ang  ­riding-in-tandem matapos na makuhanan ng baril  sa checkpoint na isinagawa sa Sta. Mesa at  Binondo, Maynila nitong Biyernes.

Ala-1:45  ng mada­ling araw nang  dakpin si  alyas Raymond, 39, residente ng Espeleta St., Sta Cruz, Manila,  sa Tambakan St., kanto ng Tetuan St., Binondo.

Nabatid na nag-iikot sa kanilang hurisdikyon sina PCorporal Rodell Lafradez at Patrolman  Saidamen Pangandag ng Gandara Police Community Precinct, nang matiyempuhan ang suspek na may hawak ng pen gun na may isang bala.

Bandang alas-8 ng umaga rin ng  Biyernes nang maispatan naman sina alyas Utoy, 33, ng  residente ng San Andres Bukid  at alyas Malong, 47, residente ng San Jose Del Monte, Bulacan, sa harapan ng Savemore supermarket, sa Nagtahan corner Ramon Magsaysay Bou­levard .

Unang nasita ang dalawa dahil sa kawalan ng helmet habang sakay ng motorsiklo kaya hiningi ang lisensya sa isinasagawnag Oplan Sita, sa nasabing lugar

Natuklasan na walang lisensya ng pagmamaneho si Malong kaya hiniling na maglabas ng Official Receipt and Certification of Registration (OR/CR).

Sa pagbukas sa compartment ng motorsiklo ay nahulog ang isang silver na kalibre .22 na walang serial number.

Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings sa Manila City Prosecutor ang tatlong suspek sa paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

RAMON MAGSAYSAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with