Las Piñas-Parañaque Reclamation Project lilikha ng mga trabaho at kita - Las Piñas Dad
MANILA, Philippines — Naniniwala si Las Piñas Councilor Mark Anthony Santos na isang malaking oportunidad ang Las Piñas-Parañaque Reclamation Project sa paglikha ng mga trabaho at kita sa lungsod ng Parañaque at Las Piñas kasabay ng pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Santos, ang panukalang P103.8-billion Las Piñas-Parañaque Coastal Bay Reclamation Project ay inaasahang magbibigay din ng hanggang 400,000 hanggang 500,000 trabaho na sa mga walang trabaho sa Kalakhang Maynila partikular sa Las Piñas
Bukod sa mga ito, iginiit ng konsehal na ang multi-billion-peso project ay bubuo ng hanggang P10 bilyong buwis taun-taon bukod pa sa P15 bilyong real estate taxes para sa pamahalaang lungsod ng Las Piñas, na may hurisdiksyon sa reclamation site.
Sa katunayan, matagal nang naantala ang reclamation project na pagkukunan din ng kita ng pambansang pamahalaan
Nagpapatuloy pa rin naman hanggang sa kasalukuyan ang Reclamation sa higly populated island state mula 1980’s, 1990, na nagbibigay ng espasyo sa pagyabong ng industriya, recreational areas, at socio-economic structures.
Ang laki ng proyekto ay tiyak na magbibigay ng mas mataas na pagkakataon sa negosyo, libu-libong lokal na trabaho, kaakit-akit na pag-unlad ng real estate, at karagdagang kita ng gobyerno, ipinunto niya.
Sa datos ng Department of Finance Bureau of Local Government Finance (DOF-BLGF), ang Las Piñas ay nasa ika-12 lamang na may P2.52 bilyon na taunang paglaki ng kita sa 16 na lungsod sa Metro Manila noong 2023.
Kumpara sa Piñas, ang mga katabing lungsod gaya ng Parañaque ay nasa ika-6 (P7.9 bilyon); Pasay ika-7 (P7.35-B); at Muntinlupa na pang-siyam (P4.63-B) sa kinita noong nakalipas na taon.
- Latest